Wednesday, September 7, 2011

Pedring, lukring!

Hay Pedring!

Nakakalukring!

Kamusta naman yung pagbuhos ng ulan na tila walang kapaguran at yung lakas ng hangin na tila mauubusan?

Grabe!

Tamang nabasag ang bintana ng apartment namin sa sobrang lakas ng hangin mo.

At hindi ka pa nagpapigil dahil pati apartment namin ay gusto mo pang pasukin..

Ang hirap magwalis palabas ng tubig na dala mo..

Naku ka Pedring!!

At eto namang si Meralco, nakisabay pa ng bonggang-bongga..

1p.m ng Tuesday nawalan ng kuryente, bumalik lang 8p.m the next day..

Hindi ko malaman kung ano gagawin ko sa sobrang pagkainip.

Patay ang cellphone, patay ang laptop.

Madilim sa buong paligid!

Pati si Jollibee, Mcdo at Chowking nakisabay rin..

Ayaw tumanggap ng delivery, in short, napilitan akong lumabas sa kabila ng lakas ng hangin at ulan..

Salamat kay ministop dahil totoong sila lang ni 7'11 ang bukas bente kwatro oras..

Hindi naman talaga ko naglalabas ng sama ng loob, binabahagi ko lang yung naranasan ko sa mga panahong ito..

Salamat sa kandila na nagbigay ilaw sakin para makapagbasa ko ng ilang libro na naging libangan ko sa loob ng dalawang araw..

Salamat din sa experience, naisip ko tuloy yung mga sinaunang tao kung paano sila namuhay noon..

Ang dami kong naisip nung mga panahong yun, andiyang inalala ko yung mga taong binabaha..

Nakikinerbyos ako, nagdarasal na sana wala masyadong napinsala..

Sa huli, nagpasalamat pa din ako dahil maswerte ako na hindi ko naranasan yung hirap na dinanas ng iba..