Bakit nga ba naimbento ang salitang “sayang”?
Ang salitang ito ay maaaring gamitin sa kahit anong klase ng pangyayari na kung saan gustong gusto mo o may planong dapat maganap ngunit hindi naganap dahil sa iba’t-ibang dahilan..
SAYANG!
Madalas rin natin itong maririnig sa iba’t-ibang pagkakataon..
“Sayang! Pagkakataon ko na sana para masabi yung nararamdaman ko pero walang lumabas na salita mula sa bibig ko.”
“Sayang pera na naging bato pa!”
“Sayang yung pagkain ubusin mo!”
“Sayang akala namin kayo na talaga.”
“Sayang ako sana yung nanalo sa kompetisyon na yun.”
Napakarami nating pinanghihinayangan sa buhay..
Pero bakit nga ba tayo nanghihinayang sa mga desisyong ginawa natin kung pinili natin yung desisyon na yun?
O bakit kaya hindi hinayaan ng nasa taas na hindi maganap yung pagkakataong pinanghihinayanagan natin?
Siguro, it’s about time na isipin naman natin yung posibleng dahilan ng mga yon..
Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi..
Ganun naman pala.
Hindi ba dapat na kung may gagawin tayo o papasukin na isang pangyayari ay dapat munang pag-isipan ng maraming beses?
Yun ang mahirap na part.
Yung paulit ulit na pag-iisip..
Nakakabagot!
Nakakatamad!
Pero sa huli kapag hindi natin ginawa tayo rin yung nagsisisi..
“Nasa huli ang pagsisisi.”
Yun ang sabe.
Kaya nga bakit ba ang tigas tigas ng ulo natin?
Tao e.. Pa’no gagawin?
Siguro nga minsan dapat mahalin din natin kung ano mang desisyon yung pinili natin..
Ito man ay magandang pangyayari o hindi..
Mas dapat nating mahalin ang mga sarili natin kapag nakakapili tayo ng maling desisyon..
Bakit?
Matututo ba tayo kung kamumuhian lang natin ang ating mga sarili dahil don?
Hindi naman di ba?
Mas dapat nating mahalin ang sarili natin kasi nalaman natin yung tama..
Sabi nga ng mentor ko sa isang organisasyong sinalihan ko noong 1st year college ko, “make more mistakes and it will make you a better person.”
Naintindihan ko siya at inunawa kong mabuti yung sinabi niya..
Hindi niya sinasabing sadyain nating magkamali pero ang ibig niyang sabihin doon ay huwag tayong matakot magkamali..
Kung nagkamali man tayo, ok lang.
Dibdibin natin sa loob ng ilang araw..
Pag-isipan natin ng mabuti yung nagawa natin..
Pagnilayan natin..
Maaaring pagsisihan mo rin pero huwag tayong pumayag na ubusin nito yung oras natin..
Sa halip, ubusin natin yung oras natin sa paggawa ng kapaki-pakinabang..
Kung may nagawa tayong pagkakamali, huwag tayong matakot na iadmit ito sa ating mga sarili..
Huwag tayong manghinayang sapagkat ginawa natin yun..
Panindigan natin..
Pero make sure na at the end of it all, gagawin natin kung ano yung tama.
Kung ano yung natutunan natin sa pagkakamaling yon.. =)