Nakaka-tuwang isipin kasi sabi ng iba, "Mag-boyfriend/girlfriend ka para maging happy ka." Hindi naman talaga kaylangan na may boyfriend o may girlfriend ang isang tao para maging masaya, para magkaroon ng inspirasyon sa buhay. Minsan nga kahit hindi mo kilala yung tao, kahit hindi mo personal na naka-kasama, kahit nakikita mo lang siya sa mga pictures at videos niya sa internet pwede mong maging inspirasyon.
Pero ano nga ba yung sina-sabi nating inspiration? Sabi sa dictionary, inspiration daw is the stimulation or arousal of the mind, feelings, etc, to special or unusual activity or creativity. Pero para sakin at sa iba sigurong katulad kong inspire, hindi ba yun yung kapag nakikita mo siya or yung picture lang niya kahit anong sama ng naging araw mo, na kahit sobrang down ka biglang guma-ganda yun? Yung kapag pagod at stressed-out kana sa school tapos maki-kita mo siya, mapapa-sabi ka sa sarili mo na, "Buo na araw ko, salamat sayo." Maalala mo lang yung naka-ngiti niyang mukha mapapa-ngiti kana din. Yung parang, sa tuwing may gina-gawa ka tapos naalala mo siya, mas gaganahan kang gawin yung kung ano mang gina-gawa mo. Mas pagbu-butihin mo na feeling mo naman nakikita niya yung gina-gawa mo at idine-dedicate mo sakanya yun. Yung tipong, dahil sa taong yun nagiging mas-maganda out-look mo sa buhay, kasi nga nai-inspire ka niya na kahit hindi man niya alam, basta alam mong nandiyan siya OK ka na. :))
No comments:
Post a Comment