Pangkaraniwan lang sa isang tao yung maSTRESS..
Stress dahil sa dami ng projects para sa isang estudyante..
Stress dahil sa dami ng paper works para sa isang empleyado..
Stress dahil sa hirap ng buhay para sa mga magulang..
At idagdag mo pa ang stress dahil sa love life..
Napakaraming nagpapastress sa atin..
Stressors kung tawagin..
In plural form, kasi naman siguradong sigurado ako na marami yan..
At dahil na nga sa dami ng mga nakakapagpastress satin, iba-iba rin ang naiisip nating paraan para malampasan ito..
Karamihan siguro ay gaya ko na ang pagkain ang napag-iinitan kapag naiistress..
Sabagay, kahit naman hindi ako stress, kain pa din ako ng kain..
Maswerte nalang kasi hindi ako tabain..
May kabilisan kasing magtrabaho ang kaibigan kong si metabolism kaya nga masayang masaya kami tuwing kakain ako..
Ewan ko ba tila yata wala akong kabusugan..
Halos yung perang baon ko sa pagkain lang nauubos..
Normal pa ba to?
Sasagutin ko na rin yung tanong ko..
Hindi na normal yan..
Sobrang katakawan nalang yan..
Busog ang tiyan, gutom ang bulsa..
Ikaw?
Anong ginagawa mo kapag naiistress ka?