Monday, October 17, 2011


What you would get for a a PISO fare promo?

Actually it was my first time to experience a PISO fare promo.. true enough when you get to pay less, you will correspondingly receive a bad service.. tsk! tsk! tsk!

A week ago, my hubby, myself and a couple of friends were bound to Gen.Santos City, flight 7:10 am.. Thinking to eat breakfast and rest for a while inside the airport before boarding time, we left Baliwag, Bulacan at 3:30 a.m.. Viola, we arrived at Terminal 3 of NAIA around 5:30a.m., more than enough time for us to check-in our luggage and eat some breakfast..

Much to our dismay, we joined the long line of passengers waiting for their turn to check-in.. At first we were content on waiting and exchanged stories, several minutes passed-by and were still too far from the check-in counter.. Until a ground crew began calling our flight and took our tickets, a lot of the passengers got angry.. Imagine, how disorganized the ground crews were, all the flights were mixed up together, there is no particular counter for a certain flight.. It crossed my mind, what if our luggage was inadvertently sent to Pagadian City instead of GenSan? OMG! It could ruin our vacation.. Just checking-in our luggage lasted for a little more than an hour and what's worse, they began calling our flight for a last call to board, when in fact we just got hold of our boarding pass and we yet to pay for our terminal fee.. A male passenger ran towards the gate assigned to us without even wearing back his shoes.. We ran and ran, even forgetting to answer the call of nature.. Haisst! photo finished we were the last to board the bus en route to our plane..

Upon boarding, we expected to enjoy the trip by sleeping..Viola, passengers in my front and at the back of hubby both have babies with them, who both refused to keep their mouth shut nor sleep during the flight.. Mind you, I was not angry at the babies, it's their mothers who were all irritating..Its simple, if you decide to travel with a baby, packed snacks and bring their favorite handy toys to keep them busy during the flight.. Learn to respect the rights of the other passengers.. Remember, like you, the rest of the passengers are just humans who needs to rest and enjoy life..

Next time around wait for the series of blogs about our 3 days whirlwind tour of SocKSarGen-Davao..

Wednesday, September 7, 2011

Pedring, lukring!

Hay Pedring!

Nakakalukring!

Kamusta naman yung pagbuhos ng ulan na tila walang kapaguran at yung lakas ng hangin na tila mauubusan?

Grabe!

Tamang nabasag ang bintana ng apartment namin sa sobrang lakas ng hangin mo.

At hindi ka pa nagpapigil dahil pati apartment namin ay gusto mo pang pasukin..

Ang hirap magwalis palabas ng tubig na dala mo..

Naku ka Pedring!!

At eto namang si Meralco, nakisabay pa ng bonggang-bongga..

1p.m ng Tuesday nawalan ng kuryente, bumalik lang 8p.m the next day..

Hindi ko malaman kung ano gagawin ko sa sobrang pagkainip.

Patay ang cellphone, patay ang laptop.

Madilim sa buong paligid!

Pati si Jollibee, Mcdo at Chowking nakisabay rin..

Ayaw tumanggap ng delivery, in short, napilitan akong lumabas sa kabila ng lakas ng hangin at ulan..

Salamat kay ministop dahil totoong sila lang ni 7'11 ang bukas bente kwatro oras..

Hindi naman talaga ko naglalabas ng sama ng loob, binabahagi ko lang yung naranasan ko sa mga panahong ito..

Salamat sa kandila na nagbigay ilaw sakin para makapagbasa ko ng ilang libro na naging libangan ko sa loob ng dalawang araw..

Salamat din sa experience, naisip ko tuloy yung mga sinaunang tao kung paano sila namuhay noon..

Ang dami kong naisip nung mga panahong yun, andiyang inalala ko yung mga taong binabaha..

Nakikinerbyos ako, nagdarasal na sana wala masyadong napinsala..

Sa huli, nagpasalamat pa din ako dahil maswerte ako na hindi ko naranasan yung hirap na dinanas ng iba..

Monday, August 29, 2011

Sarap Mabuhay!

"Ang sarap ng may INSPIRATION! :)) Yung feeling na kahit hindi ka niya kilala OK LANG, kasi kahit sa mga simpleng pictures at mga post sa FB niya napapangiti ka na niya."
        Nakaka-tuwang isipin kasi sabi ng iba, "Mag-boyfriend/girlfriend ka para maging happy ka." Hindi naman talaga kaylangan na may boyfriend o may girlfriend ang isang tao para maging masaya, para magkaroon ng inspirasyon sa buhay. Minsan nga kahit hindi mo kilala yung tao, kahit hindi mo personal na naka-kasama, kahit nakikita mo lang siya sa mga pictures at videos niya sa internet pwede mong maging inspirasyon.

        Pero ano nga ba yung sina-sabi nating inspiration? Sabi sa dictionary, inspiration daw is the stimulation or arousal of the mind, feelings, etc, to special or unusual activity or creativity. Pero para sakin at sa iba sigurong katulad kong inspire, hindi ba yun yung kapag nakikita mo siya or yung picture lang niya kahit anong sama ng naging araw mo, na kahit sobrang down ka biglang guma-ganda yun? Yung kapag pagod at stressed-out kana sa school tapos maki-kita mo siya, mapapa-sabi ka sa sarili mo na, "Buo na araw ko, salamat sayo." Maalala mo lang yung naka-ngiti niyang mukha mapapa-ngiti kana din. Yung parang, sa tuwing may gina-gawa ka tapos naalala mo siya, mas gaganahan kang gawin yung kung ano mang gina-gawa mo. Mas pagbu-butihin mo na feeling mo naman nakikita niya yung gina-gawa mo at idine-dedicate mo sakanya yun. Yung tipong, dahil sa taong yun nagiging mas-maganda out-look mo sa buhay, kasi nga nai-inspire ka niya na kahit hindi man niya alam, basta alam mong nandiyan siya OK ka na. :))

Monday, August 22, 2011

ang sabi ni BRO.. :)

There comes a time in our lives that we seek and ask Him of many things we need and want in life.

We find time praying and talking to Him about the things that concerns us..

Pero, para sa akin hindi lang tayo dapat magdasal o kausapin Siya sa oras ng pangangailangan natin.

Dapat nating ugaliing pasalamatan Siya sa lahat ng pinagdadaanan natin sa buhay, masaya man o masalimuot.

Lahat tayo may hinihingi sa Kanya, hindi ba?

At lahat tayo naghihintay ng kasagutan sa mga hiling nating yun..

Sa aking natutunan sa aming church, tatlong sagot raw ang binibigay ni BRO..

YES, NO and WAIT..

Napakaganda ng napakinggan kong ito..

YES, and He will give us what we want..

NO, and He will give us something better..

and

WAIT, and He will give us the best..

Ang ganda, di ba?

YES, dahil maaaring yung hiniling natin sa Kanya ay tiyak na makabubuti sa atin..

NO, dahil maaaring hindi naman ito makabubuti sa atin at tiyak rin namang may ibibigay Siyang mas magugustuhan at mas makakabuti sa atin..

and WAIT, dahil siguradong inihahanda Niya yung pinakamagandang regalo na ipagkakaloob Niya sa atin..

Ugaliin nating magpasalamat sa kahit ano pa mang sagot na ibibigay Niya sa atin dahil higit sa ating mga magulang na ang gusto ay yung makabubuti para sa atin, ganun din ang gusto ni BRO para sa mga anak Niya..


Be blessed! :)

Thursday, August 18, 2011

SAYANG...

Bakit nga ba naimbento ang salitang “sayang”?

Ang salitang ito ay maaaring gamitin sa kahit anong klase ng pangyayari na kung saan gustong gusto mo o may planong dapat maganap ngunit hindi naganap dahil sa iba’t-ibang dahilan..

SAYANG!

Madalas rin natin itong maririnig sa iba’t-ibang pagkakataon..

“Sayang! Pagkakataon ko na sana para masabi yung nararamdaman ko pero walang lumabas na salita mula sa bibig ko.”

“Sayang pera na naging bato pa!”

“Sayang yung pagkain ubusin mo!”

“Sayang akala namin kayo na talaga.”

“Sayang ako sana yung nanalo sa kompetisyon na yun.”

Napakarami nating pinanghihinayangan sa buhay..

Pero bakit nga ba tayo nanghihinayang sa mga desisyong ginawa natin kung pinili natin yung desisyon na yun?

O bakit kaya hindi hinayaan ng nasa taas na hindi maganap yung pagkakataong pinanghihinayanagan natin?

Siguro, it’s about time na isipin naman natin yung posibleng dahilan ng mga yon..

Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi..

Ganun naman pala.

Hindi ba dapat na kung may gagawin tayo o papasukin na isang pangyayari ay dapat munang pag-isipan ng maraming beses?

Yun ang mahirap na part.

Yung paulit ulit na pag-iisip..

Nakakabagot!

Nakakatamad!

Pero sa huli kapag hindi natin ginawa tayo rin yung nagsisisi..

“Nasa huli ang pagsisisi.”

Yun ang sabe.

Kaya nga bakit ba ang tigas tigas ng ulo natin?

Tao e.. Pa’no gagawin?

Siguro nga minsan dapat mahalin din natin kung ano mang desisyon yung pinili natin..

Ito man ay magandang pangyayari o hindi..

Mas dapat nating mahalin ang mga sarili natin kapag nakakapili tayo ng maling desisyon..

Bakit?

Matututo ba tayo kung kamumuhian lang natin ang ating mga sarili dahil don?

Hindi naman di ba?

Mas dapat nating mahalin ang sarili natin kasi nalaman natin yung tama..

Sabi nga ng mentor ko sa isang organisasyong sinalihan ko noong 1st year college ko, “make more mistakes and it will make you a better person.”

Naintindihan ko siya at inunawa kong mabuti yung sinabi niya..

Hindi niya sinasabing sadyain nating magkamali pero ang ibig niyang sabihin doon ay huwag tayong matakot magkamali..

Kung nagkamali man tayo, ok lang.

Dibdibin natin sa loob ng ilang araw..

Pag-isipan natin ng mabuti yung nagawa natin..

Pagnilayan natin..

Maaaring pagsisihan mo rin pero huwag tayong pumayag na ubusin nito yung oras natin..

Sa halip, ubusin natin yung oras natin sa paggawa ng kapaki-pakinabang..

Kung may nagawa tayong pagkakamali, huwag tayong matakot na iadmit ito sa ating mga sarili..

Huwag tayong manghinayang sapagkat ginawa natin yun..

Panindigan natin..

Pero make sure na at the end of it all, gagawin natin kung ano yung tama.

Kung ano yung natutunan natin sa pagkakamaling yon.. =)

Thursday, August 11, 2011

FOOD CRAVES: The Burger that towers your cravings!

Aren't you tired of eating hamburgers with all the same look? A burger bun, hamburger patty and mayo?? Plus cheese and green thingy like lettuce or cucumber just to give something new? *well I'm not pertaining to any particular burger brand. lol.

After releasing the double down.. now KFC put another teaser and a craving much burger that would probably put your jaw down and forget your diet at all. It is something new! And something really BIG!


THE KFC TOWER BURGER!!!!

Some people might ask what's about it? Well, of course it got a big hamburger buns, creamy mayo, crisp and fresh lettuce, a delicious hash brown (oh my! new isn't it?), cheese and the good original recipe chicken patty (same chicken patty as with the double down).

I was so excited when my boyfriend and I scheduled our tower burger day, or I should say MY tower burger day! HAHA! August 3, Wednesday, it's our post monthsary celebration at KFC! With all this mouth watering and much appreciation as my boyfriend handed down in our table the tray with the KFC tower burger!



And OMG! "Watta big box!"




And when I open it "Watta tower burger!" HAHA.




Before eating this, I noticed that the arrangement was not right. Look again at the picture I took using my android phone. The hash brown goes last on the list. I don't know if it was just a mistake by one of the crew or it's just how they want to be in the KFC tower burger Filipino version. Anyway! I don't care! Because.. no matter the sequence of those, when you put together it is still a towering burger! It's actually the hash brown that made me crave like crazy! I've never had a hash brown in a burger..Ever! :)

We ordered the Tower burger snack box meal which includes tower burger, fries, one drink and one piece chicken. Apparently, tower burger was all mine. Though he got a bite of it. But I'm proud for I finished it all alone! HAHA! This burger can go as high as 2 and a half inch. Could you believe I ate KFC tower burger with my bare hands and all-stretched mouth! Super stretched! I didn't care what and how might people look at me even my hubby.. for he was saying, "Ang laki naman kasi.. I can't imagine to eat that BIG..." WELL..its really quite high to bite. But its munching! And finally I'd got a taste of this towering burger! I have to tell, honestly I had a quite time finishing it. But indeed, it was a great one! I enjoyed every single bite! BUSOG MUCH! swear! And I want another time with this tower burger. Another busog moment. :)

I LOVE YOU KFC!
I LOVE YOU TOWER BURGER! :)))))

KFC is obviously my favorite one! two-thumbs up! yeah!

A KFC tower burger alone cost P110.oo.
A meal with fries and drink cost P140.oo.

Wednesday, August 10, 2011

MEMA blog : Love Me Not...

MEMA blog : Love Me Not...Oftentimes we seek for mere happiness that will lighten up our feelings. We asked ourselves why in this world we always experience the vast and weary atmosphere of life’s intricacies.

Am I not good to everyone? This is just one of the questions we oftentimes asked ourselves.

It made me realize that no matter how good we are to people that we love, still they have reasons to let you feel that you are not. Is it not enough or am I just being too much?

I found myself bothered with the things that always haunt my sanity. The stillness of my sanity started to weaken. Until one day I found myself lost, afraid and broken.

My mind is vague and my heart is empty. My whole system is in great numbness. Why can’t I feel the pain I normally feel in everyday of my life? Why can’t I love him now?

I wanted to cry but my tears are frozen. I wanted to scream but I can’t utter any word.

…. He came close to me, held my hands and embraced me with all his might.

Questions were raised on top of my head. Who the hell he is? He seems to care about me. He even shed tears as if I am the missing piece of his life. Can someone help me from this enigmatic thought I am in to?

I pushed him away from me but he never dares to withdraw his hands that held me so tight.

In a wink of an eye, the pain that I usually feel eventually runs through my system and the longingness I felt before is now corrupting my weary heart.

As I turned my eyes on him I noticed that his lips are red as cherry. His full narrow eyebrows gave emphasis to his bewitching eyes. Indeed he is good looking.

He opened his mouth and his warm breath ruled my being. He is the air that I breathe that gave life to me.

I cried then tears began to fall. I miss him. His warm touch, his voice, everything about him. I love him so deeply.

…. But why can’t he love me the way I wanted to be loved?

MEMA blog : Just for Today...

Just for today,

Decide to be happy,

To live with what is yours,

To let go and to accept things.

If you can’t have what you want,

Maybe you can like what you have.

Just for today,

Decide to be kind.

Be cheerful.

Be agreeable.

Be understanding.

Be your best.

Dress your best.

Talk Softly.

Look for the brighter side of things.

Praise people instead of criticizing them.

Just for today

Try it.

After all, it’s just for today.

Who knows you might like it and do it again tomorrow.

Sunday, August 7, 2011

FOOD CRAVES: Dairy Queen



I think everyone loves to eat. Lalo na tayong mga Pilipino. Kumakain nga tayo ng higit pa sa tatlong meal! At minsan lahat yon may rice pa! (My host parents in Wisco knew it. It's one of our trade mark as Pinoy daw?? lol.). We have merienda sa umaga at hapon. Kaya nauso ang recess break 1 and 2 sa high school. At siyempre meron dn tinatawag na mid-night snack. Mahilig din kasi tayo sa junk foods gaya ng chips kaya pag pumunta ka sa mga tindahan sa kung saan-saan laging may tig-pipiso ka na mabibili! At kung tinatamad ka pumunta sa tindahan meron mga naglalako diyan. Pero take note, bihira ako kumain ng street foods kasi, medyo maarte to tiyan ko. Diarrhea ang aabutin ko sa mga isaw-isaw na yan! Hindi naman ako sosy.. pero kung maaari yun clean foods. Yun lutong luto.. hindi pa ata pumasok sa isip ko na kumain ng hilaw! yuckness! haha.. At sana yun mantika hindi 7 times na nagamit! JUSMEH!


Kaya eto naisipan ko na i-blog ang tungkol sa mga pagkain. Sa totoo lang kasi mahilig ako kumain. Timawa na kung timawa. Try to ask my kapamilya, kaya kong umubos ng isang bandeha ng fried rice! HAHA! Kaya di na ako magugulat kung tumaba ako ng bongga. Kaya noon nung nag diet ako, AY! nako.. skip kung skip! Di talaga ako kakain, para lang pumayat. Di kasi mabilis ang metabolism ko. Kaya patayan ang pagdidiet. Lalo na nun nagpunta ako sa Amerika. Wala na ako nagawa. Nag boom boom ang weight ko! At isa sa mga dahilan ay ang DAIRY QUEEN! I stayed sa Dowe Family, sa 1219 Homestead Rd., Beaver Dam Wisconsin. It's only a few blocks away ay matatanaw mo na ang Dairy Queen. Maliit lang yung branch doon. Pero talagang pinipilahan ng mga beaver dam people! Kilala din kasi ang Wisconsin sa milk and cheese products. Kaya kahit malamig ang panahon doon, they still can't resist ang ice cream. And we can't deny the fact that we Filipinos are also fond of sweets like ice cream lalo na sa weather natin.


My host sister from Brazil, named Paula Milan asked me out to eat DQ. Kahit gabing-gabi na tumuloy kami. Naglakad kami..suot ang jacket namin. Kasi talaga naman malamig. At nang marating na namin ang 1501 N Center St.. ayun na ang maliwanag na logo ng Dairy Queen! Medyo mahaba ang pila. Isang buong pamilya ata ang bumibili. Pero okay lang sa amin ni Paula, kasi may mga pogi! HAHA! Plus, nag-isip pa kami kung ano ang bibilhin. Ever since naman maka blizzard ako..so I tried yun chocolate milkshake. I loved it! Kaya I always save money for it. So after school, nagpapadaan kami ni Paula sa DQ drive-thru. DQ is so sweet kaya nakakalimutan namin yun feeling lonely and homesick. It's one of our sad reliever.


Tuwing luluwas naman ako, di pwedeng walang DQ! When I had this get-together malling with my high school friends. We went to Trinoma and SM North. And we didn't missed DQ! I ate chocolate chip cookie dough blizzard. Yum! Yum!






Last March, we, mass comm peeps went over to ABS-CBN to watch as a live audience in Showtime. Right after, we went to SM North. At kahit busog much sa Tokyo-tokyo lunch, my boyfriend and I still managed to have DQ!





And see how he LIKED it! HAHA! He ordered Oreo cookies and Cream Blizzard.




Dairy Queen offers a lot of variety soft serves like, dipped cones, sundae, blizzards, milkshakes, Royal Treats, waffles, Moolattes, and even cakes. In the U.S. they even offer hamburgers, french fries, drinks and other snacks. Masarap siya. Sweet kung sweet. Kaya I will recommend na have water with you when you eat any DQ treats. And for me the best ang BLIZZARD! Wag lang yun my nuts..pero masarap din daw yun. I just don't prefer yung may nuts sa ice cream and chocolates.


According to Bright Hub website, ang isang chocolate chip cookie dough small cup blizzard ay may total na 590 calories, with 270 of those are coming from fat. Plus this whopping ice cream has 59 grams of sugar, na sa isang coke in can ay may 39 grams lang. Though with calcium content may 35% ang isang small na DQ blizzard. We see it that they contain a lot of calories and sugar. So it's okay if we indulge ourselves these DQ treats moderately. Next time I will probably try yun waffle and yun banana split. :)


How I wish we have Dairy Queen here in Baliwag, just like as how much we wished for Starbucks! :)


We have daw here just like DQ version located sa tapat ng watson sa may SM Baliwag.. Swirls ata yun name. I tasted it and I don't like it. Di siya firm madaling malabnaw. Parang may kulang sa mixture. The best pa din ang DAIRY QUEEN! :))


*PICTURES IN HERE ARE NOT FROM THE INTERNET.



Friday, August 5, 2011

MEMA blog : Letting Go and Moving On

Sometimes, there are people who will come into our lives and for some time, will leave us. Oftentimes, we can't accept the fact that we have to part ways. After that, what is left to us is to let go and move on with our lives.
it is really very hard to let go of someone who we cared for, who we trusted, and who we dedicated our lives. Many people say that if someone moves away from our lives, we are not meant for that some one. What we have to do is to move on. But how can we move on if we can't get rid of the memories that we have. Those times that we're together, the secrets that we shared together, the problems that we solved together, those laughter and tears. These will always be in our hearts. These things also hinder us to move on. We ca'nt move on, knowing the fact that we will no longer do these things with that special person. There will also be a point that we will blame ourselves why this parting of ways happened. Then, we will try to run after that person to somehow convince him to comeback. We do not have to blame ourselves for everything.
The other person also has a shortcoming for sure. We have to get out of the box. Facethe reality and that nothing on earth is permanent exept change. Our world doesn't justt revolve around that one person. Let go and move on. Discover other people and other environment. orcourse, we should not forget them. They made us stronger. We'll just have to find something that will make us happier. To let go is not that easy. Even if will find other company, we are sure to miss everything about that person. We are already used to be with that person. What we have to do is to remember that it is for sake of both persons. We have to show that we're stronger and that we can still continuelife without them. Perhaps, regrets won't come into our mind if we succeed and move on with life.
The next thing that will come to our mind would be friendship. Of course, we have to keep the friendship. It is important to us to remain as friends. From that, who knows, what is lost may come back.

stress free..






Pangkaraniwan lang sa isang tao yung maSTRESS..

Stress dahil sa dami ng projects para sa isang estudyante..

Stress dahil sa dami ng paper works para sa isang empleyado..

Stress dahil sa hirap ng buhay para sa mga magulang..

At idagdag mo pa ang stress dahil sa love life..

Napakaraming nagpapastress sa atin..

Stressors kung tawagin..

In plural form, kasi naman siguradong sigurado ako na marami yan..

At dahil na nga sa dami ng mga nakakapagpastress satin, iba-iba rin ang naiisip nating paraan para malampasan ito..

Karamihan siguro ay gaya ko na ang pagkain ang napag-iinitan kapag naiistress..

Sabagay, kahit naman hindi ako stress, kain pa din ako ng kain..

Maswerte nalang kasi hindi ako tabain..

May kabilisan kasing magtrabaho ang kaibigan kong si metabolism kaya nga masayang masaya kami tuwing kakain ako..

Ewan ko ba tila yata wala akong kabusugan..

Halos yung perang baon ko sa pagkain lang nauubos..

Normal pa ba to?

Sasagutin ko na rin yung tanong ko..

Hindi na normal yan..

Sobrang katakawan nalang yan..

Busog ang tiyan, gutom ang bulsa..

Ikaw?

Anong ginagawa mo kapag naiistress ka?

Thursday, August 4, 2011

Somebody Has To Say It: Mga Bituin Sa Langit!

        Lahat ng Tao ay may kani-kaniyang hiling na nais matupad. Mga pangarap na nais maabot at minimithing nais makamtan. Wala yatang taong hindi naniwala noong bata pa sila na ang mga Bituin sa langit ay kayang tuparin ang isang kahilingan ng taong makakakita dito. Nakatutuwa, pero totoo! Totoo kayang kayang tuparin ng bituin ang hiling ng isang tao? Na sa bawat bulalakaw ay isang hiling ang mapagbibigyan sa sino mang pinalad na makakita dito.

        Naranasan ko na ring mag-abang ng bulalakaw sa langit... Naranasan ko na ring umasa sa mga ito noong maliit pa ako... Naaalala ko pa, Hindi na rin ako bata noon ng sinubukan kong tumingala sa langit tuwing didilim upang mag-abang ng bulalakaw at umasang makakahiling kahit sa una at huling pagkakataon lang. Hindi na ako batang musmos noon ng sinubukan ko ang kapalaran namin sa pag-aabang ko ng bulalakaw.

        Matagal na iyon, nagsawa na ako ng kakapanalangin tuwing gabi sa aking kwarto... lagi kong sinasabi noon na sana makakita pa ulit ang nanay. Na sana maipagluto pa nya ako ng ulam dahil hindi talaga masarap ang luto ni tatay. Highschool ako noon, walang gabing hindi ko hiniling sa diyos na sana gumaling pa ang nanay para makita pa nya kami. Walang araw na hindi ko inisip ang nanay dahil mula noong araw na hindi na sya nakakakita... hindi na ganoon kasaya ang buong bahay.

         May mga gabi ding nadidinig ko ang nanay na umiiyak sa kanyang kwarto, marahil ay nagdadasal din at humihiling sa may kapal. Ngunit mas masakit maramdaman ang damdamin ng isang taong alam mong may dinaramdam sa kanyang sarili, mas masakit madinig ang maliliit na tinig ng pag-iyak niya na alam mong mabigat sa kalooban. Alam ko, at natitiyak ko... Humihiling ang nanay nang mga panahong iyon. 

         Nasubukan ko nang Tumingala sa langit... Nasubukan ko nang Umasa... Nasubukan ko nang mag tiyagang tingalain at hintayin ang pagbagsak ng bulalakaw... Ilang beses ko nang Nahiling sa bulalakaw ang aking nais noon pa man. Sinamahan ko pa nga ng pag-iyak yung iba para mas mapansin ako, pero heto... Madilim pa din ang mundo ng nanay hanggang ngayon..  marahil masyadong mabigat ang aking hiling, marahil mas makabubuti noon kung ang hiniling ko na lamang ay sumarap ang luto ng tatay kahit kaunti.

            "Akala ko makikita ko na kayo..." ang nasabi ng nanay noon sa kanyang huling operasyon sa isang sikat na pagamutan sa maynila, totoong hindi kami binigyan ng katiyakan... Pero umasa kami noon... lalo na ang nanay. Yun na yata ang pinaka malungkot na araw noon... Umaasa kami noon, nandoon kami lahat habang tinatanggal ng doktor ang takip sa mata ng nanay... Pero wala rin... Matapos ang ilang operasyon, wala rin...

          Ngayon ay heto.. Masaya kahit papaano, Totoong hindi na nakakakita ang nanay. Pero nakatutuwang makitang nagsusumikap siya para maging normal ang buhay, masaya ako para sa kanya. Wala namang may kagustuhan ng mga nangyari, marahil nagtatanong ako nung una kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay pero ngayon... Hindi na! "Sanay na ako" eka nga ng nanay sa mga taong nagtatanong.. Sanay na din kami, marami mang nagbago sa buhay namin.. Sige pa rin!

          Totoong hindi natupad ng mga bituin sa langit ang aking hinihiling... Pero naniniwala ako kahit papaano, nakatulong iyon para magkaroon ako ng pananalig... na kahit sa alam kong hindi naman talaga totoo ang kwento tungkol sa mga bulalakaw.. Umasa pa rin ako, dahil doon nagkaroon kami ng lakas ng loob na magsumikap.. Dahil kung hindi naman aasa ang isang tao, hindi siya magsusumikap sa kanyang buhay.. Hindi naman hahakbang ang isang tao kung hindi naman niya alam kung saan siya tatapak.. Pero para sa amin... Tuloy ang buhay..

          Pero kung totoo mang matutupad ang hiling ng isang tao... Umasa ka.. Hindi ako magdadalawang isip na  tumingala muli sa langit.. At kung may hihilingin man ako sa pagkakataong iyon... "Hihilingin kong Mahulog  na Lamang ang puso mo sa akin!" ;)

           

Tuesday, August 2, 2011

49Days: Scheduler

Last night, I've just finish watching the drama 49days and really! I have to brag this. XD I've cried buckets of tears watching it, sobra akong na-attached dun sa mga characters especially dun sa story ni Scheduler and YiKyung tipong iyak-tawa ako sa scene nila kasi yung iba may putol, then ako naman WHAT THE F***! tapos iyak. Grabe! Kung makikita niyo lang ako habang pinapa-nuod yun, pagtatawanan niyo lang ako kasi singhot ako ng singhot. Their not totally yung bida sa story but I find their story more interesting, more touching, and most tragic than the other characters in the story. It's like every time their on the scene I'm starting to cry without me knowing it, I'm so affected and I don't know why.

For those who doesn't know what I'm ranting about here's the synopsis of the story. So basically, 49days is about a girl named Shin Jihyun who has a perfect life with friends and parents that adores and admires her. She's set to marry her fiance Kang Minho in just a few days. While Song YiKyung, a woman who is completely distraught over her life after her boyfriend died in an accident, and frequently contemplates suicide. She works the night shift at a convenient store, while sleeping in the afternoons. Then one day, YiKyung gets off a bus and tried to kill herself again but somebody pull her back to save her life. And at that moment JiHyun driving nearby, hits her breaks, but can't avoid the semi-trailer truck that has stopped in the middle of the road. Moments later, Ji-Hyun walks out of her car in a daze. She is shocked to see her body being carted into an ambulance. Then the only one who can see her is the man on the motorcycle and that man happens to be the scheduler an angel of sorts who awaits to take souls to their final destinations, like a grim reaper/angel of death.  The JiHyun is given a second chance at life by the Scheduler, but it comes with a condition: she has to find three people outside of her family who would cry genuine tears for her. In order to do this, she borrows the body of Yi Kyung, a part-time employee at a convenience store for 49 days. 

At ayun na nga, hindi talaga si Scheduler ang bida sa istorya but I liked his story more kaya medyo iku-kwento ko ngayon kung bakit, sana panuorin niyo din. It's not just beacuse he's good-looking kaya gusto ko yung istorya niya but it really brings alot of tears in my eyes every time may nalalaman siya about sa past niya. Naging Scheduler siya kasi he begged  the other Scheduler the one he calls "sunbae" na no matter what happens, bago siya umalis or pumunta na sa next world she needs to talk to someone and makita ito. So, the "sunbae" agreed pero may condition na he needs to be a Scheduler for five years for the "sunbae" to fulfill his wish but nung nag-start na siya maging Scheduler wala na siyang natatandaan about sa past niya. As the story goes naka-kasama niya si JiHyun na gamit ang katawan ni YiKyung and nung na-attached na si JiHyun kay YiKyung naawa siya dahil sa miserableng buhay nito at nalaman niyang dahil pala yun sa namatay yung kaisa-isang taong minahal niya at pinagka-tiwalaan five years ago. Nag-labas ng picture si YiKyung at nakita ni JiHyun yung name Song YiSoo, hinanap niya yun, nagnalak pa nga siyang huminga ng tulong kay scheduler para mahanap yun pero ayaw si Scheduler dahil hindi siya pwede maki-alam sa problema ng iba lalo na sa tao. 

Then at the end nalaman niyang ang hinahanap pala niyang YiSoo ay si Scheduler, nung unang sinabi niya kay Scheduler yun ayaw niya maniwala dahil malabo daw na mangyari yun saka hindi niya maalala ang past niya ang alam niya lang he needs to do something after his term as a Scheduler. After ng pangungulit ni Jihyun sakanya at pagpa-pakita ng pictures na patibay na siya nga yun, he starts to think and ask his self if he is really that. And one day, pinuntahan siya ni Jihyun na may dalang pictures na may kasamang babae, sabi niya baka yun yung dahilan kung bakit nagka-hiwakay sila ni YiKyung pero ang sabi niya hindi totoo yun, at nung may sinabi si Jihyun na katulad nung sinabi sakanya ni YiKyung dati biglang bumalik lahat ng memories niya at naalala na niya lahat ng nangyari, sobrang umiyak siya nung nakita niya sa harapan niya yun pinak-mamahal niyang babae na sobrang nawalan na ng ganang mabuhay sa mundo dahil wala na siya. Right then the drama begins, tears fell everytime nakikita niya si YiKyung kung pwede lang na mag-pakita na siya agad sakanya para sabihin sakanya lahat ng gusto niya sabihin gagawin niya, kayalang hindi niya magawa dahil hindi pa tapos 5 years niya as scheduler. I'll let you guys watch the drama para ma-feel niyo din nararamdaman ko, hindi ko na iku-kwento ng kumpleto.

Hindi ko alam kung ilang beses na ko pina-iyak ni scheduler, I really felt that she really loved Song Yikyung. He even said that she's the most precious person in his life, and she made his life worth living. He might even played before but Yikyung is like a hometown for him.  And not a single moment that he thinks of leaving her and that he really wants to marry her. At dahil nga galing sila sa orphanage siya ang tumayong Tatay, kuya, kaibigan at boyfriend kay Yikyung. He can't even barely had a sleep  kasi he studies at morning and works at night para may pang bayad sila ng tuition ni Yikyung. He even prepares/cooks lunch for both of them. Sobrang naging mahirap buhay nila pero masaya sila at inaalagaan nila ang isat-isa, so tragic nga lang na ganun yung nangyari kay scheduler at hindi naging happy ending story nila.
Man! if this guy happens to be a real scheduler, then this Scheduler/Angel of death would be the most hottest, good looking and the adorable angel of death ever! And like what he said once in the drama, "If everyone knows that he's the scheduler, many women would would choose to die just to see him, and guide them on the elevator to the next world". And Yes! Indeed! Jung Il Woo's really handsome.
I can say that It's one of the Best Kdrama ever. Yung plots and sub-plots grabeh! its super nice talaga, saka yung pagkaka-develop ng bawat character sa story talaga naman walang naiiwan. Habang tumatagal yung story mas naiintindihan mo kung bakit ba naging ganun yung ugali nung isang character, kung bakit ganun naging yung tingin niya sa buhay at kung paano niya ito nabago or kung paano niya na-overcome yung kung ano mang obstacle na pinag-dadaanan niya.

Iba talaga yung story nito at saludo ko sa mga writers saka sa direator. It's not the typical story na napapanuod mong about a boy and girl na mahal ang isa't-isa, tapos mag-aaway, magkaka-hiwalay, conflict tapos after all the drama magkaka-balikan at happily ever after na. Hindi rin siya yung pa-sweet sweet, pa-tweetums, corny ng drama. Ito yung habang pinapanuod mo parang hindi mo na matigilan at gusto mo na malaman yung susunod na mangyayari, saludo din ako sa mga twist ng story na akala mo alam mo na yung next na mangyayari tapos magugulat ka na lang hindi pala yun, kaya lalo kang maku-curious at papanuodin mo talaga siya. And maganda din yung moral ng story kasi kapag natapos mo ng panuorin yung buong drama parang mare-realize mo kung gaano ka kaswerte kasi buhay ka pa, kung gaano ka kaswerte kasi naka-kasama mo araw-araw yung mga mahal mo sa buhay at kung gaano ka kaswerte dahil alam mong may nag-mamahal sayo at alam mong hindi ka nila iiwanan kahit anong mangyari.

Somebody Has To Say It: Mahal Kita...! Alam Mo Ba...?

     Sabi nila nabubulag daw ang isang tao sa oras na matuto na itong magmahal. Sa mga panahong umiibig daw ang isang tao ay iyon na din ang pinakamagandang pangyayari sa kanyang buhay. Ewan ko ba.. basta ako sigurado ako... hindi ako bulag... Nakadilat ako nung nakita ko kung papaano nya nabighani ang aking mga mata at tumagos sa aking mga puso ang kanyang mga ngiti... tapos ayon na, heto na... Umiibig na 'ko! 

      Mahal Kita.. Ramdam mo ba? Hindi ko kasi kayang sabihin ng harapan at wala akong lakas ng loob na tumayo sa iyong harapan, o hawakan ang iyong mga kamay at saka sabihin ang mga salitang "MAHAL KITA." Wala akong magawa kung hindi daanin na lamang sa tawa ang aking mga nais sabihin. Hayaan mo na lamang na iparamdam ko ang bawat salita at malaman mo kung gaano ka kahalaga sa katulad ko at sa iyong mga kaibigan.

      Oo Mahal Kita.. Pero Bakit Nga Ba? Ang lagi kong naitatanong sa aking sarili tuwing maiisip kita kung nasaan ka na ba? tuwing sinasabi mong malapit ka na, pero malayo pa pala! Tuwing sinasabi mong pupunta ka pero hindi naman pala! Lagi ko ding tinatanong kung bakit nga ba..? Sa kabila ng katotohanang wala talagang pag-asa.. Pero pag anjan ka na, wala na. Hindi ko na iniisip ang lahat ng bagay-bagay. Hindi ko na iniisip ang mga dapat isipin dahil 'pag anjan ka na.... Alam ko lang na MAHAL KITA! wala ng iba.

      Mahal Na Mahal Kita.. Hanggang Kailan? Ang madalas tinatanong ng barkada ko sa akin tuwing nagkakatuwaan sa inuman.. Kung hanggang kailan kita mamahalin? Hindi ko alam..! Hindi ko rin masabing Habang Buhay dahil tao lang din naman ako, hindi ko hawak ang aking damdamin upang sagutin at utusan ang aking puso kung hanggang kailan ka lamang dapat ibigin.. Ang alam ko lang ay masaya ako sa ngayon dahil nakakaramdam ako ng pagmamahal, kung hanggang kailan? bahala na si batman.

         Mahal Nga Kita.... Alam Mo Ba? ang tangi ko na lang pag-asa kung sakaling iyong mararamdaman.. gusto ko lang na malaman mo na nakakamiss din pala ang isang "SALITA" kapag hindi mo na ito nadidinig  na nanggagaling sa kanya, nasanay na kasi ako noon kaya hindi ko pinahalagahan. Tunay ngang hindi mo malalaman ang kahalagahan ng isang bagay hanggang sa mawala ito. Sa bagay,, bakit natin hahanapin ang isang bagay na hindi naman nawawala, bakit natin hahayaan na lang mawala ang isang bagay kung ito'y may halaga pa sa atin? 

        Basta ang alam ko Mahal Kita! Alam mo ba? na iniisip kita? na natatawa ko pag nakikita kitang tumatawa.. Na nagseselos ako sa kanila dahil mas gusto mo sila.. Na selos na selos ako 'pag tinatawag mo sya.. Na nabubwisit ako pag nilalapitan ka nila.. Na miss na miss ko kung paano mo ako tinatawag noon? Alam mo ba? ha? Na Sinisisi ko ang sarili ko dahil wala naman akong karapatan para magselos.. Kasi nga Mahal Lang Naman Kita! At Hindi Naman Tayong Dalawa.....! ;(

Monday, August 1, 2011

DRESS TO IMPRESS part I






Napakarami nating gusto sa buhay, aminin natin yan.

Ako, grabe, sobrang dami kong gusto..

Kaya nga mahirap akong magawi sa mga lugar na papangalanan kong TEMPTATION ISLAND..

Yung temptation island na sinasabi ko ay yung mga paborito kong puntahan like shopping malls and BMG..

Sobrang sarap magshopping di ba?

Lalo na kung marami kang pangshopping but since I am only a student hindi pa ganun karami yung pambili ko ng mga bagay na gusto..

Ngunit masasabi kong isa ako sa mga sinuwerte dahil nakakabili parin ako ng ilang mga bagay na gusto ko..

Unahin na natin ang isa sa mga kinababaliwan naming mga babae..

SHOES <3

Isa yan sa mga bagay na talaga namang kinaaadikan ko..

Ewan ko ba kung bakit malakas ang dating sakin ng KILLER HEELS marahil siguro ay sa kakapusan ko sa height.. =)

Napakahirap sa aking kalooban pag pupunta ako sa temptation island..

Una sa lahat, napakatindi ng temptation na hatid nito sa akin..

Pangalawa, imposibleng walang makapukaw ng aking atensyon..

At ang pinakamasakit ay ang pananakit ng aking BULSA.. =)

Napakahirap ko pa namang kalingain lalo na pag dalawa o higit pa yung napusuan kong sapatos..

Makailang beses ako palagi kung magtanong sa mga kaibigan ko..

"bebe, ano ba mas maganda? eto o eto?"

At ang mapagkunsinting bebe naman ay sasagot ng, "bagay pareho bebe e, ikaw?"

Hayy.. Napakahirap sa kalooban tuwing maririnig ko ang sagot niyang yun kasi syempre malay ko ba kung alin dun ang ieeliminate ko e pareho ko rin namang gusto..

Samakatuwid, ang ending ay pareho ko ring binili yung dalawang sapatos na pinamimilian ko..

Kung inyong maitatanong kung saan ako kumukuha ng pambili ay simple lang ang aking mga kasagutan diyan..

Napakaresourceful kong tao, ako yung tipo na PAG MAY GUSTO, MAY PARAAN.. <3

Naghohost ako ng iba't-ibang events tulad ng pageants, debut at kung anu-ano pa na kung saan ay mayroon akong talent fee na natatanggap..

Bukod pa don ay sa sobrang dami ng gamit ko yung iba pinagsasawaan ko na o di kaya ay hindi ko na gusto..

Sa madaling sabi ay nagga-garage sale ako sa aming lugar kung saan may utusan ako at ang trabaho ko lamang ay maghintay sa pagsasara nito pag hapon..

Ganun kasimple.. =)

Masarap mamili e..

Kaya marahil kung ako ay nakikita mo, iba-ibang sapatos ang suot ko..

Ang susunod kong blog ay tungkol naman sa mga damit na kinahihiligan ko din.. <3


"I still have my feet on the ground, I just wear better shoes."
-Oprah Winfrey-

Thursday, July 28, 2011

WHAT I SPEND MONEY ON


One reason of people being happy is MONEY.

Money is everywhere but NOT everyone has it.

My personal blog for the mean time will be about "How I spend my money?"

I usually get my allowance every Sunday afternoon after attending mass in our place.

Having been currently on my last year in college, it's not that easy to budget because I am quite a SHOPAHOLIC.

Not only that, I am also fond of eating almost anything that captures my taste buds.. =)

It might not be obvious as my friends will say, I'm petite, but I do eat a lot to the point that I almost lost all my money.

My daily allowance is P150.00.

You may say that it is more than enough because I am renting an apartment near the university where I am enrolled.

Somebody may want to ask: "What's the need of having P150.00 if there is nothing so much to pay for?"

Here my story will start, I am not the typical student who spends money on transportation and food alone.

A lot of people were telling me, "Why don't you just walk?"

My answer would be, "I will not exchange my safety for just a P10.00 bill for transportation."

See how I make palusot?

But honestly, It's true.

Nowadays, it is not safe for us, ladies, to walk alone in the street so what is there to be thrifty about if it is yourself who will be saved from possible danger.

Next is my eating habit, I do not just eat three times a day.

I do eat more than six times (depende sa mood).

They usually say, "Hey Thea, what's your secret? You almost eat anything and yet you still managed to have a slim figure."

I really don't know what's in me but my metabolism seems to work really fast which is an envy of many.

During lunch time, I usually spend P80.00 for one meal, one soda, a bottle of water and a dessert plus candies.

I really don't have an idea why food loves me really much but I will not in any way going to hate eating.

It is my FIRST LOVE. <3


This is my very first blog and I hope that on the following blogs you will still find time reading it.

I have lots to share about this topic which I personally chose.

Thanks for reading.. ^.^


"The way to a ma's heart is through his stomach."

-FANNY FERN-

Second Thoughts

The WHAT IF- thinking before you do. And the WHAT IF-thinking after the action. Still in both situation we ask, WHAT IF?

I guess everyone experiencing having seconds thoughts in mind. Sometimes we don't realize we're having it. But we're actually experiencing it in our every day routine. By the time you wake up in the morning. You will ask yourself:

"Am I going to school/work, what if not?"
"Am I gonna get up and start my day or just be lazy all day?"
"What am I gonna have for breakfast?"
"What should I wear?"

Second thought? Yes. Because we've got a lot of choices, obviously. You can either choose to have bacon or a scrambled egg in your breakfast. Or just skip it and sleep again. But if you choose to do the latter, then you'll be wasting your time, unless you badly need it due to lack of sleep. You can choose a red shirt over a white blouse. You can choose any, because we all have the privilege to do so. But does it mean, any we choose is good for us? Maybe yes. Maybe no. If you choose bacon over scrambled egg, what would you feel? Anyhow both of them are food. You will be satisfied but probably not as much over the other vice versa. Because, probably one of those is much satisfying for you based on your taste and wants.



Many of us get bothered of these second thoughts, "WHAT IF?" For some reason, even we don't want it to feel, we still do. Ridiculous! And I really hate it when it happens. When I'm buying clothes, bags or anything, I surely have this brood mind. "What should I buy?" "What if buy this or this?

When my friends and I don't have place to go, we have this brood mind again. "Where should we go, Mcdo or Jollibee?"(right? like we always say)

It simply shows, that we think these second thoughts first before we act upon it. We think, feel, decide and then you do. We always ask ourselves, WHAT IF?

I can say second thought is like doubts in ourselves. We get to doubt something before we buy or eat it. We get to doubt someone before we trust him/her. We get to doubt the question before we answer yes or no. We think. But not as always. Sometimes we get away by our feelings or emotions.

When you're mad, do you think what to say, feel and do? NO! because we're carried away. Then you lose control. Say foul words. And much to that we feel such hatred wherein we punish ourselves in return.

When you're in love, do you get to think? Yes. But most of the time, NO! We get to come with the waves of our emotions and feelings. We forget to ask, WHAT IF?

I have this professor, that I love so much! She is good, actually very good! She always gives us words of wisdom. And most of it, is very applicable to me.

"You will always have second thoughts, Aynah...", she quoted.
Yes. She's right. I do have second thoughts.

What IF, I never went addicted to alcohols and gimiks?

What IF, I never let go of him? Will I get to love Gerard?

What IF, I control my temper? Can we have better understanding and mend our differences?

What IF, I'm on his shoes? Do I feel same shame he felt over?

What IF, I just listen first?

What IF, I did not get pregnant? And instead have this dream life and career.

"What if, we do it the other way around?"
"Are we gonna end up differently and better?"

What IF?
When we fall into a wrong decision, we tend to regret. Of course! It's already a life formula. When its done, then we evaluate our wrong doings, and then, regret. But that doesn't mean, you can never be right again. The what-if-second thought will always be a ghost in our minds. You can never take it away. One way or another, they will dwell in our minds and feelings. What important is, when you do right, be proud. And when you do wrong, stand for it. Though sometimes its hard and painful, well its part of the consequences. And then, try to make better choices next time. No one is perfect, anyway. Mistakes and wrong decisions are part of our lives. It's you! It's us who will be deciding and making our own life history. Who give a damn to what you do?! Its your life make the most out of it.

What if you've done it? Who cares! Just do BETTER next time. HAHA!