Minsan mas gusto ko pa na nasa labas o kaya nasa kwarto nalang ako kesa nasa bahay ako. Alam mo kung bakit? paano kasi kapag nasa bahay ako, sumasakit ang ulo ko sa ingay nila MAMA, ni PAPA, ng mga KAPATID ko, tapos nag-sasabay pa sa kalikutan ang dalawang PAMANGKIN ko. Napapagod ang katawang lupa ko na dapat hindi naman dahil wala naman ako ginagawa sa bahay. Para kameng pamilyang puro bipolar! ang mood swings namin mag-anak iba! na kahit ako nga e naloloka din. Tawanan ng tawanan mamaya mag-aayaw, maya tawa nanaman, tapos bait-baitan epek, tapos mamaya sisigaw naman. Anu ba yun?! Kaya nga siguro ganito ko kasi ganun din sila sa bahay. *haha!*


Hilig niya papa-iyakin yun anak niyang si jay-jay tapos pag-umiyak tuwang-tuwa naman siya patahanin. Ang cute daw kasi umiyak ng baby, luka talaga. Nakiki-sabay din sakin yan sa ka-adikan ko sa Kpop, kung makapag-spazz sa kpop artist ganun-ganun nalang! parang dalagang tulad ko. At eto pa, wag ka! at nag-member pa ang lola sa isang fansclub. *na actually member din ako dun. haha!
At ito juice-me naman, nung bakasyon tumanda ata ako ng 5years at nagkaroon ako ng sungay kaka-bawal at kaka-sigaw sa dalawa kong pamangkin. Kung maki-kita niyo ko sa bahay para kong sirang plaka, lagi ko nga line dun..
"Ano ba?! hindi ba kayo titigil?! kanina pa binabawalan diba?! iligpit mo yang kalat mo sabe eh!!""Sabi ko tama diba?..bakit ayaw tumigil?..hindi ba ko nai-intindihan?
Sungit kong tita nuh? sorry sila *evil laugh*.
Si jay-jay kasi kahit 2years old palang ang kulit-kulit na, lagi niyang kina-kalat mga laruan nila, ako naman wala magagawa kaya pulot sige! *papa-galitan kase ko ni mama* pero yun kahit papano nasasaway ko pa. Kahit awayain ko yun, konting pa-cute bumigay nadin ako. Saka ang lambing kasi nung batang yun. Kaya minsan pag napapa-iyak ko utuin ko lang ng konti okay na kame, bati na ulit.
Pero kahit bipolar sila * kame pala* proud akong family ko sila, kaya naman loves na loves ko sila. Kahit na pinapa-sakit nila katawang lupa ko at naririndi na tenga ko kaka-sigaw ng mga pamangkin ko loves ko parin sila. Kahit na tumanda ako ilang years kaka-bawal at kaka-pakinig sa mga nobela ni mama, at mga walang sawang awayan nila ni papa eh loves na loves ko parin sila. Kahit na madalas ay maingay sa bahay, masaya naman kame at lagi kaming magka-kasama. Hindi ko sila pag-papalit kahit kanino kasi loves ko sila, kahit na nga bipolar yun mga yun. :))
No comments:
Post a Comment