July 24, 2011. 1:30 am. Ako nalang ang gising sa bahay at habang naka-upo ako sa harap ng computer gumagawa ng blog at nagyu-youtube, nagtaka ako at napa-hawak sa aking dibdib ng biglang umalog yung computer sa harap ko. Sabi ko sa sarili ko,
Aya! Ano yun? may tumulak ba nung computer? Hala!
Hindi ako maka pag-salita kasi madaling araw na, bigla na akong kinabahan. Hindi ko alam ang nagyayari tumayo ako at pumunta sa kwarto tiningnan ko ang mga kasama ko sa bahay pero mahimbing naman ang mga tulog nila. Tumingin ako sa paligid nakita kong gumagalaw yung mga gamit, bigla kong naisip..
"OHMAYGAWD! Lumilindol pala!"
Naka-kaloka! Akala ko minu-multo na ko kasi naman anong oras na gising pa ko, yun pala lumilindol na. First time ko naka experience nun, at ayoko na maulit yun. May kalakasan siya at medyo nahilo talaga ko, nag-panic din ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko, kung gigisingin ko ba sila o hindi.
Tuwing lilindol dati, its either tulog ako or nasa byahe ako kaya hindi ko talaga siya nararamdaman. Sina-sabi nalang sakin ni Mama kina-umagahan na lumindol pala sabi ko nga,
"Sayang naman hindi ko manlang naramdaman, Wala akong kamalay-malay lumindol na pala. ano kaya feeling nun?"
At ayun na nga! na-feel ko na siya, hindi pala siya masaya. Natakot ako sa totoo lang at sana LORD! huwag na maulit. Saka naisip ko yung mga nangyaring lindol noong mga nakakaraan kaya kinabahan talaga ko. Sabi sa news magnitude 5.1 daw yung lakas nung lindol nung gabi na yun, pasalamat nalang ako dahil hindi siya nag-tagal.
Hindi ba, kaya daw nagkakaroon ng lindol dahil may gumagalaw na tectonic plates sa ilalim ng lupa? O kaya kung may malapit na bulkan sa lugar niyo eh malamang may tendency sumabog? Saka hindi natin alam kung kailan ito mangyayari o saan mangyayari kaya dapat lagi tayong handa at alerto kung sakali mang maulit pa ulit ito.
No comments:
Post a Comment