Tuesday, August 2, 2011

Somebody Has To Say It: Mahal Kita...! Alam Mo Ba...?

     Sabi nila nabubulag daw ang isang tao sa oras na matuto na itong magmahal. Sa mga panahong umiibig daw ang isang tao ay iyon na din ang pinakamagandang pangyayari sa kanyang buhay. Ewan ko ba.. basta ako sigurado ako... hindi ako bulag... Nakadilat ako nung nakita ko kung papaano nya nabighani ang aking mga mata at tumagos sa aking mga puso ang kanyang mga ngiti... tapos ayon na, heto na... Umiibig na 'ko! 

      Mahal Kita.. Ramdam mo ba? Hindi ko kasi kayang sabihin ng harapan at wala akong lakas ng loob na tumayo sa iyong harapan, o hawakan ang iyong mga kamay at saka sabihin ang mga salitang "MAHAL KITA." Wala akong magawa kung hindi daanin na lamang sa tawa ang aking mga nais sabihin. Hayaan mo na lamang na iparamdam ko ang bawat salita at malaman mo kung gaano ka kahalaga sa katulad ko at sa iyong mga kaibigan.

      Oo Mahal Kita.. Pero Bakit Nga Ba? Ang lagi kong naitatanong sa aking sarili tuwing maiisip kita kung nasaan ka na ba? tuwing sinasabi mong malapit ka na, pero malayo pa pala! Tuwing sinasabi mong pupunta ka pero hindi naman pala! Lagi ko ding tinatanong kung bakit nga ba..? Sa kabila ng katotohanang wala talagang pag-asa.. Pero pag anjan ka na, wala na. Hindi ko na iniisip ang lahat ng bagay-bagay. Hindi ko na iniisip ang mga dapat isipin dahil 'pag anjan ka na.... Alam ko lang na MAHAL KITA! wala ng iba.

      Mahal Na Mahal Kita.. Hanggang Kailan? Ang madalas tinatanong ng barkada ko sa akin tuwing nagkakatuwaan sa inuman.. Kung hanggang kailan kita mamahalin? Hindi ko alam..! Hindi ko rin masabing Habang Buhay dahil tao lang din naman ako, hindi ko hawak ang aking damdamin upang sagutin at utusan ang aking puso kung hanggang kailan ka lamang dapat ibigin.. Ang alam ko lang ay masaya ako sa ngayon dahil nakakaramdam ako ng pagmamahal, kung hanggang kailan? bahala na si batman.

         Mahal Nga Kita.... Alam Mo Ba? ang tangi ko na lang pag-asa kung sakaling iyong mararamdaman.. gusto ko lang na malaman mo na nakakamiss din pala ang isang "SALITA" kapag hindi mo na ito nadidinig  na nanggagaling sa kanya, nasanay na kasi ako noon kaya hindi ko pinahalagahan. Tunay ngang hindi mo malalaman ang kahalagahan ng isang bagay hanggang sa mawala ito. Sa bagay,, bakit natin hahanapin ang isang bagay na hindi naman nawawala, bakit natin hahayaan na lang mawala ang isang bagay kung ito'y may halaga pa sa atin? 

        Basta ang alam ko Mahal Kita! Alam mo ba? na iniisip kita? na natatawa ko pag nakikita kitang tumatawa.. Na nagseselos ako sa kanila dahil mas gusto mo sila.. Na selos na selos ako 'pag tinatawag mo sya.. Na nabubwisit ako pag nilalapitan ka nila.. Na miss na miss ko kung paano mo ako tinatawag noon? Alam mo ba? ha? Na Sinisisi ko ang sarili ko dahil wala naman akong karapatan para magselos.. Kasi nga Mahal Lang Naman Kita! At Hindi Naman Tayong Dalawa.....! ;(

8 comments:

  1. Nasa likod mu lng kame melvs. haha!

    ReplyDelete
  2. hai jusko kinikilig ako! pwede ba kasi sbhin na yun name.. Hahahaha..

    ReplyDelete
  3. hahaha daming kinikilig sa post na to.. magtapat na kasi :) Gerard to. hehe

    ReplyDelete
  4. OMG.. @inna-pwede bang ako na lang ang mag announce.. hahaha.. sobrang kinilig naman ako sa 2 batang ito.. alangan na for me but can't help pag ganito na.. imagine kulang na lang ipagsigawan sa buong mundo eh.. manhid na lang yung iniirog ni melvs pag di pa nakuha ng matatamis na pananalita mo.. now i know that may talent ka melvs.. keep it up..

    ReplyDelete
  5. bakit parang pinagtutulungan ako ng TOLENTINO family.... haha.. Ma'am Thanks po...!

    ReplyDelete
  6. sino may sabi? sobrang napakilig mo lang kami..

    ReplyDelete
  7. ayiii... kinilig si ma'am.. SALAMAT PO! basta iyan po eh totoo.. haha

    ReplyDelete
  8. ang panget e, di ba.. imagine,natili talaga ako after reading your blod, nagulat nga sa office, luncbreak, nag nap sila.. hahaha.. sarap ng feelings pag nasabi mo na yung totoo di ba.. eka nga, cliche as it may sound.. "truth will set you free"

    ReplyDelete